NAGSAGAWA ang lokal na pamahalaan ng Las Piñas ng distribusyon ng tickets para sa 150,000 Noche Buena packages na ipamamahagi sa lahat ng senior citizen, persons with disability (PWD) kabilang na ang mga mahihirap na pamilya na naninirahan sa lungsod.
Ang mga ticket ng “Pamaskong Handog” sa ilalim ng programa ng lokal na pamahalaan ay naipamahagi na sa 20 barangay sa lungsod na sinimula pa noong Disyembre 18.
Natapos kahapon ang distribusyon ng “Pamaskong Hadog” tickets upang mai-prepara ang mga benepisyaryo nito sa kanilang hapag-kainan para sa selebrasyon sa pagsalubong ng bisperas ng Pasko.
Sinisiguro naman na magiging maaayos ang distribusyon ng mga Noche Buena packages na naglalaman ng spaghetti noodles at sauce, condensed milk, fruit cocktails at iba pa sa pamamagitan ng pagbisita sa iba’t-ibang barangay sa lungsod. MARIVIC FERNANDEZ