150K OFWs SA TAIWAN SAFE SA COVID-19

Lito Banayo

TAIPEI – PINAWI      ng  Manila Economic Cultural Office (MECO) ang pangamba ng Philippine government na delikado ang lagay ng mga overseas Filipino worker (OFWs) na nakabase sa Taiwan sa gitna ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) outbreak.

Ayon kay MECO Chairman Lito Banayo, ipinatutupad at taglay ng Taiwan ang “best health care systems”  sa buong mundo.

Batay sa datos ng MECO, mayroong 160,000 Filipinos sa Taiwan at mahigit sa 150,000 ay OFWs.

“Taiwan has one of the best, if not the best, health systems in the whole world. Ito ay internationally recognized, napakagagaling ng mga doctor dito, napakaganda ng kanilang health system,” paliwanang ni Banayo.

Tiniyak din ng MECO chairman na walang diskriminasyon sa pagbibigay ng health benefits sa Taiwanese at Filipino.

“Taiwanese and OFWs were given the same health benefits,” ayon pa kay Banayo at idinagdag na pawang may libreng gamot, libre konsultasyon, libre laboratory, libre X-ray, na sakop ng kanilang binabayaran na maliit lamang na insurance fee.

Sinabi rin Banay na mayroon lamang na 18 kumpirmadong COVID-19 cases sa Taiwan na malaki ang lamang ng Singapore na mayroong 67 cases.

Magugunitang noong Biyernes ay inalis na ang travel ban sa Taiwan. EUNICE C.

Comments are closed.