1,533 VIOLATORS NG QUEZON CITY ORDINANCES ‘DINOKTRINA’

Police Brigadier General Joselito Esquivel Jr

NAITALA ng Quezon City Police District (QCPD) sa ilalim ng pamunuan ni Director, Police Brigadier General Joselito Esquivel Jr. ang 1,533 violators ng Quezon City ordinances  mula alas-5:00 ng umaga ng Mayo 1 hanggang 5:00 ng umaga ng Mayo 2, 2019.

Una na rito, nagtala ang La Loma Police Station (PS 1) sa ilalim ni PLTC Camlon Nasdoman nang tatlo pa dahil naman sa smoking in public places at 254 dahil sa mga  traffic violations habang ang Masambong Police Station (PS 2) sa ilalim ni PLTC Rodrigo Soriano ay may naitalang  52 dahil sa smoking in public places at  91 para sa iba’t ibang  uri ng mga traffic violation.

Habang ang Talipapa Police Station (PS 3) sa ilalim ni PLTC Alex Alberto naman ay nakapagtala ng tatlo dahil sa  smoking in public places at 25 dahil sa iba’t ibang traffic violations.

Ang Novaliches Police Station (PS 4) sa ilalim ni  PLTC Rossel Cejas na may apat na naitala para sa  smoking in public places at 86 para sa mga traffic violation.

Sa Fairview Police Station 5 naman sa ilalim ni PLTC Benjamin Gabriel Jr., na nakasita ng tatlong  smoking in public places.

Ang Batasan Police Station (PS 6) sa ilalim ni PLTC Joel Villanueva ay may nasitang 15 para sa smoking in public places, 534 sa mga traffic violation habang sa Cubao Police Station 7 sa ilalim ni PLTC Giovanni Hycenth Caliaona may naitalang 174 dahil sa  smoking in public places, 20 sa jaywalking at 37 para sa iba pang traffic violations.

Habang ang Project 4 Police Station (PS 8) sa ilalim ni  PLTC Jeffrey Bilaro na mayroong 20 kataong nasita sa jaywal­king, ang Anonas Police Station (PS 9) sa ilalim naman ni  PLTC Cipriano Galanida na may naita­lang violators 17 sa smo­king in public places at 31 sa jaywalking.

Habang ang Kamu­ning Police Station (PS 10) sa ilalim ni PLTC Louise Benjie Tremor na may naitalang siyam dahil sa smoking in public pla­ces, 1 roaming half-naked in public place, 2 for jaywalking at  68 naman sa iba pang traffic violations.

Sa Galas Police Station (PS 11) sa ilalim ni  PLTC Carlito Mantala na may naitalang  10 para sa  smoking in public places,  1 para sa  littering at  52 para naman sa jaywalking.

Ang Eastwood Police Station (PS 12) sa ilalim ni  PLTC Romulus Gadaoni ay may naitalang  37 dahil sa iba’t ibang traffic violations. PAULA ANTOLIN

Comments are closed.