1,534 BAGONG COVID-19 CASES, 2,729 GUMALING

PATULOY  ang pagbaba ng aktibong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Base sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00, Miyerkoles ng hapon, 1,534 ang bagong naitalang kaso ng nakahahawang sakit sa nakalipas na 24 oras.

Sa 3,655,709 na confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa, 55,449 o 1.5 porsiyento ang aktibong kaso.

Nasa 652 rito ang asymptomatic o walang sintomas, 50,258 ang nakararanas ng mild symptoms, 2,811 ang moderate, 1,426 ang severe, habang 302 naman ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 201 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 55,977 o 1.53 porsiyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 2,729 ang gumaling pa sa COVID-19 kaya umakyat na sa 3,544,283 o 97.0 porsiyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.