154 BFP NURSES IDINEPLOY SA 27 PRIVATE HOSPITALS

DILG undersecretary Jonathan Malaya

BAGO pa man inilabas ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa deployment ng  uniformed nurses sa mga pagamutan, nagpadala na si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo M. Año ng 154 licensed nurses ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa 27 pribadong pagamutan sa bansa na nakakaranas ng kakulangan ng mga healthcare worker matapos na dapuan ng CO­VID-19 infections ang karamihan sa kanila.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, sa ilalim ng Nurse Deployment Program ng BFP, 27 private hospitals ang pinagsisilbihan ngayon ng BFP nurses habang pitong iba pang pagamutan ang nag-request na rin para sa kanilang serbisyo, kasunod ng direktiba ni Año.

Nabatid na sa 154 BFP nurses na dineployed sa buong bansa, 14 ang nakatalaga sa Tuguegarao City People’s General Hospital sa Cagayan Valley; 19 sa Adventist Hospital sa MIMAROPA; lima sa Legazpi City CO­VID-19 Center sa Bicol Region; 40 sa Metro Ilo­ilo Hospital and Medical Center Inc.; 20 sa Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital sa Western Visayas; 19 sa Remedios Trinidad Romualdez Hospital sa Eastern Visayas; 10 sa South Philippine Medical Center; at siyam naman sa Davao Oriental Provincial Hospital sa Davao Region.

Sa National Capital Region (NCR) naman, kabuuang 18 BFP nur­ses ang dineploy mula nitong Agosto 31.

Sa naturang 18 nur­ses, anim ang nagtatrabaho bilang vaccinators sa Muntinlupa City Health Office, anim ang vaccinators sa Las Piñas City Health Office, at anim naman ang nagsisilbi bilang nurse sa Medical Center Muntinlupa.

Sinabi ni Malaya na sa ilalim ng deployment program, masusing nakikipag-ugnayan ang BFP sa receiving hospitals hinggil sa concerns ng mga deployed nurses.

Nakikipag-coordinate rin sila sa mga deployed nurses hinggil sa administrative concerns ng mga ito, gaya ng hazard pay at iba pang benepisyo, alinsunod sa umiiral na government rules and regulations.

Bilang karagdagan, ang BFP ang nagkakaloob ng transportasyon sa mga nurses mula sa point of origin ng mga ito patungo sa kanilang designated receiving hospital. EVELYN GARCIA

8 thoughts on “154 BFP NURSES IDINEPLOY SA 27 PRIVATE HOSPITALS”

  1. 294871 313254I enjoyed reading your pleasant web site. I see you offer priceless information. stumbled into this web site by chance but Im positive glad I clicked on that link. You undoubtedly answered all the questions Ive been dying to answer for some time now. Will definitely come back for much more of this. 512323

  2. 783408 550198magnificent submit, very informative. I ponder why the opposite experts of this sector dont realize this. You should proceed your writing. Im confident, youve a fantastic readers base already! 972177

Comments are closed.