CEBU- NAKATAPOS na sa kanilang Publice Safety Senior Leadership Course ang 154 senior police non-commissioned officers nitong Nobyembre 17 sa Consolacion sa lalawigang ito.
Ginanap ang graduation ceremony sa RTC 7 Covered Court, Regional Training Center, Camp Jesse M. Robredo, Brguy. Jugan.
Ayon kay Police Regional Office – 7 Regional Director BGen. Roderick Augustus Alba, kabilang sa mga nagtapos na PSSLC RT7 Class 2021-02 Alpha to Charlie ang 126 lalaki at 28 babaeng pulis.
Nanguna naman sa klase sina PSMS Fil Isales Florentino ng Cebu Provincial Office; PSMSM Stephen Genobisa Lubid ng Regional Civil Security Unit 7 at PSMS Wyndellene Recla Itona, Cebu City Police Office.
Pinarangalan naman bilang NPTI Director Leadership Awardees sina Lubid, bilang Overall President at PSMS Melvin Pareja Leones, /battalion Commander sa Mandaue City Police Office.
Ang nasabing training course ay binuksan noong Disyembre 6, 2021 at nagsara nitong Nobyembre 17.
Ang PSSLC ay kurso na naglalayung turuan ang mga pulis na nasa ranggong senior police non-commissioned officer ng sapat na kaalaman sa kanilang propesyon, pag-uugali, kaalaman, gawi, at pagpapahalaga na kailangan para sa epektibong pangangasiwa at responsableng liderato sa kanilang tungkulin. EUNICE CELARIO