NUEVA ECIJA-ISINAILALIM ang 157 Enlisted Personnel mula sa iba’t ibang different line units at magkakaibang batteries ng Philippine Army Artillery Regiment saTroops Information and Education on Mental Health Awareness kamailan sa Headquarters AAR, Fort Magsaysay, Palayan City sa lalawigang ito.
Ang TI&E ay inorganisa Office of the Regiment Sergeant Major na naglalayung tutukan at alagaan ang mental health at physical well-being ng mga sundalo.
Layunin ng regiment na iangat ang social awareness ng mental health issues sa pamamagitan ng psychosocial education upang pigilin ang mga stigma ng mental health at maiwasan ang pagkakaroon ng masamang mental health conditions.
Bago ang Ang TI&E ay isang sundalo ng 4th Infantry Division ang nag-amok sa loob ng kanilang barracks sa Camp Evangelista, Cagayan de Oro na ikinamatay ng apat na kabaro habang nasawi rin ang nagwalang sundalo. EUNICE CELARIO