Iniulat ng Department of Health (DOH) Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) na kabuuang 157,256 eligible population na ang nakakuha ng unang dose ng COVID-19 vaccine mula sa ilang vaccination sites sa rehiyon.
Ayon kay Regional Director Dr. Eduardo Janairo, mayroon silang mga fixed vaccination sites ngunit pinapayagan din ang ilang vaccination teams na magbahay-bahay upang mabakunahan ang mga target individuals na hindi kayang magtungo sa vaccination sites, gaya ng mga senior citizen.
“Although we have the fixed vaccination sites, we also allow our vaccination teams go on a house-to-house drive to reach target individuals to be vaccinated. Mayroon tayong mga senior citizen na hindi makapunta sa mga vaccination sites dahil bawal silang lumabas at mayroon ding mga bedridden at yung mga me comorbidity na kailangang mabakunahan para magkaroon sila ng dagdag proteksiyon laban sa Covid,” ani Janairo.
“Tandaan natin na hindi lang mga elderly ang tinatamaan ng virus pati na rin mga bata ay namamatay dahil dito. Kaya dapat maibigay natin sa lahat ang bakuna upang mabawasan ang epekto nito sa ating mamamayan,” aniya pa.
Sinabi ni Janairo na mula sa total vaccinated population ay 84,347 ang nabigyan ng Sinovac habang 72,909 naman ang nakatanggap ng AstraZeneca vaccine.
Nasa 9,218 katao naman na aniya ang nakakumpleto ng dalawang dose ng bakuna.
Para sa priority group A1 (frontline health workers), 103,303 na ang nakatanggap ng first shot at 8,885 naman ang nabigyan na rin ng second shot.
Para naman sa priority group A2 (senior citizens), 26,854 ang nakatanggap ng first jab at 62 ang may second shot.
Para naman sa priority group A3 (persons with co-morbidity), 27,099 ang nakakuha ng first dose ng bakuna at 271 ang may second dose na rin
Sinabi ni Janairo na mayroong kabuuang 298 vaccination sites na nakarehistro sa DOH – COVID-19 Bakuna Center Registry (CBCR), at 47 sa mga ito ang nasa Cavite, 74 ang nasa Laguna, 79 sa Batangas, 43 sa Rizal, 46 sa Quezon at siyam naman ang nasa Lucena City.
Nakatanggap aniya ang Calabarzon ng kabuuang 305,660 vaccine doses para sa first at second dose, kabilang ang 228,860 doses ng Sinovac at 76,800 doses ng AstraZeneca.
Nakapagdeliber naman na ang regional office ng 303,369 doses sa mga vaccination sites sa iba’t ibang lalawigan, at 226,569 doses nito ay Sinovac at 76,800 doses ang AstraZeneca.
Sa ngayon ay mayroon na lamang aniyang natitirang 2,291 doses ng Sinovac para i-distribute.
Sa datos ng DOH-Calabarzon, hanggang nitong Abril 28, 2021 ay umaabot na sa 130,123 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa rehiyon.
Sa naturang bilang, 24,451 ang active cases, 102,208 ang nakarekober at 3,464 ang namatay. ANA ROSARIO HERNANDEZ
771649 607853I like this website because so much utile stuff on here : D. 100510