159 PATAY SA HIV/AIDS SA BUWAN LAMANG NG AGOSTO

HIV-AIDS-2

MAYROONG 159 katao ang nasawi sa bansa dahil sa sakit na HIV/AIDS infection noong Agosto 2018.

Ito ang iniulat kahapon ng Department of Health (DOH) batay na rin sa datos na inilabas ng HIV/AIDS & Arts Registry of the Philippines (HARP) ng DOH-Epidemiology Bureau.

“In August 2018, there were 159 reported deaths due to any cause among people with HIV. Ninety-six percent (153 cases) were males,” anang DOH.

Ayon pa sa DOH, sa nasabing buwan din ay nakapagtala sila ng karagdagang 1,047 bagong mga kaso ng HIV/AIDS sa bansa.

Ang nasabing bilang ay mas mababa ng 57 kaso kumpara sa naitalang bilang ng HIV cases noong kaparehong buwan nang nakaraang taon.

Kasama naman dito ang dalawang babae, na taga-National Capital Region (NCR), na nagkataong buntis nang madiskubreng dinapuan sila ng sakit.

Nananatili namang ang pagkikipagtalik ang predominant mode of transmission sa may 1,022 kaso ng sakit.

Ang iba pang modes of transmission o paraan ng pagkahawa ng sakit ay needle sharing among injecting drug users, na may 17 kaso, habang ang walong iba pang kaso ay walang data kung paano sila nahawa ng sakit.

Anang DOH, karamihan sa mga bagong kaso ng sakit ay naitala sa NCR na may 328 kaso; Calabarzon (173 cases), Central Luzon (119 cases), Central Visayas (108 cases), at Western Visayas (58 cases). ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.