PUMALO na sa 531,699 ang kabuuang bilang ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito’y matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 1,590 panibagong COVID-19 cases araw ng Huwebes, Pebrero 4.
Nasa 32,775 naman ang active cases.
Samantala, 249 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling sa sakit kaya’t umakyat na 487,927 ang total recoveries sa nasabing sakit.
Nasa 55 naman ang karagdagang bilang ng mga nasawi sa virus kaya’t nasa 10,997 na ang death toll ng coronavirus sa bansa. John Jude Alabado-DWIZ882
Comments are closed.