15K DOSES NG SPUTNIK V DUMATING NA SA PH

DUMATING na sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang 15,000 doses ng Sputnik V o (Gamaleya) COVID-19 vaccines galing Russia, at lulan ito ng QR 932 Qatar Airways commercial flight mula Doha Qatar.

Ayon kay vaccines Czar Carlito Galvez, ang 15,000 doses ng Sputnik vaccines ay unang batch sa 485,000 doses na inorder ng pamahalaan sa Moscow sa tulong ni Philippine Ambassador sa Russia King Sorreta.

Bukod sa Sputnik vaccines, inaasahan ng pamahalaan ang pagdating ng ibat-ibang vaccines sa bansa sa magkakasunod na linggo ng buwan na ito.

Ang Sputnik V vaccines ay binigyan ng DOH at Food and Drug Administration (FDA) ng emergency use authority, kung kayat maaari nang gamitin ito ng mga Filipino.

Samantala, napaulat na ang pondo o pera na pambili ng vaccines ay tulong ng mga multilateral institutions, at ang kalahati nito ay obligated na, ayon sa Department of Finance (DOF).

Ayon kay Finance Undersecretary Mark Dennis Joven, ang pondong na-obligate ay ang 600 million dollar o 700 million dollar na kasama sa 1.2 billion dollar loans mula sa Asian Development Bank, World Bank at Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB). FROILAN MORALLOS

18 thoughts on “15K DOSES NG SPUTNIK V DUMATING NA SA PH”

Comments are closed.