15K DOSES NG SPUTNIK V VACCINES IPINADALA NA NG RUSSIA SA PH

Sputnik V

IPINADALA na sa Filipinas ng Russia ang nasa 15,000  doses ng Sputnik V vaccines.

Ayon kay Philippine Ambassador to Russia na si Carlos Sorreta, ibiniyahe na araw ng Biyernes ang mga naturang bakuna.

Dahil dito, inaasahan na darating ng  Mayo 1 ang mga nasa 15,000  dose ng Sputnik V vaccines.

Matatandaang dalawang beses na naudlot ang pagdating ng mga bakunang Sputnik V dahil sa logistical issues.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez, kabilang sa mga naging dahilan ng delayed na pagdating ng mga bakuna sa Filipinas ay ang kawalan ng direktang flight mula Russia papuntang Filipinas pati na ang storage facility sa mga ito kung saan kailangan kasi ng -20 °C na paglalagakan ng bakuna.

Sa ngayon ay  nasa 1 hanggang 2 milyong doses pa ng bakuna mula sa Russia ang inaasahang darating sa bansa   at 2 milyong doses naman sa Hunyo. DWIZ882

8 thoughts on “15K DOSES NG SPUTNIK V VACCINES IPINADALA NA NG RUSSIA SA PH”

Comments are closed.