INIULAT ng Department of Health (DOH) na nakapagtala pa sila ng halos 15,000 kaso ng mga pasyenteng gumaling na sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Batay sa case bulletin 225 na inisyu ng DOH, nabatid na hanggang 4PM nitong Linggo, Oktubre 25, ay nakapagtala pa sila ng 14,944 na gumaling sa virus, sanhi upang umakyat na ngayon sa kabuuang 328,036 ang total COVID-19 recoveries sa Filipinas.
Samantala, umakyat naman sa 370,028 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa matapos na makapagtala pa ng panibagong 2,223 newly-confirmed cases hanggang kahapon.
“As of 4PM today, October 25, 2020, the Department of Health reports the total number of COVID-19 cases at 370,028, after 2,223 newly-confirmed cases were added to the list of COVID-19 patients,” anang DOH. “DOH likewise announces 14,944 recoveries. This brings the total number of recoveries to 328,036.”
“Note: Of the 2,223 reported cases today, 2,059 (93%) occurred within the recent 14 days (October 12 – October 25, 2020). The top regions with cases in the recent two weeks were NCR (537 or 26%), Region 4A (397 or 19%) and Region 3 (165 or 8%),” anang DOH.
Ayon sa DOH, sa ngayon ay 35,015 pa ang itinuturing na aktibong kaso, at sa naturang bilang, 82% ang mild cases, 11.3% ang asymptomatic, 2.4% ang severe at 4.2% ang kritikal.
Pinakamarami pa rin sa mga bagong kaso ang naitala sa Quezon City, na nasa 112, sumunod ang Laguna na nasa 111, Rizal na nasa 109, Cavite na nasa 79 at Batangas na nasa 74.
May 43 rin naman na naitalang namatay dahil sa virus, kaya’t 6,977 na ngayon ang total COVID-19 death toll sa Filipinas.
Sa 43 na naitalang bagong nasawi sa sakit, 29 ang naganap nitong Oktubre, tatlo noong Setyembre, lima noong Agosto, tatlo noong Hulyo, isa noong Hunyo at dalawa noong Mayo.
Ang mga namatay ay mula sa National Capital Region na nasa 16; Region 4A na nasa walo; CARAGA na nasa apat; tig-tatlo sa Region 3 at Region 12; tig-dalawa sa Region 1 at Region 9; habang tig-isa naman ang naitala sa Region 5, Region 6, Region 7, Region 10, at Region 11.
Samantala, nasa 14 na duplicates naman ang inalis mula sa total case count, at sa naturang bilang, siyam ang nakarekober sa sakit.
May 16 pa naman na laboratory ang hindi pa rin nakapagsusumite ng datos sa COVID-19 Data Repository System (CDRS) ng DOH hanggang nitong Ok-tubre 24, 2020.
Patuloy pa namang isinasailalim ng DOH sa paglilinis ang balidasyon ang mga naturang bilang kaya’t inaasahang mababago pa ito sa mga susunod na araw. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.