ST. LOUIS – Puntirya ni Tiger Woods ang kanyang unang major win sa loob ng 10 taon, magtatangka si Jordan Spieth sa Career Grand Slam at asam ni Dustin Johnson ang ikalawang major triumph sa pagpalo ng 100th PGA Championship sa susunod na linggo.
Ang American trio ay inaasahang magbabakbakan sa final major showdown ngayong taon sa 7,316-yard, par-70 Bellerive layout sa huling PGA Championship na lalaruin ngayong buwan.
Si Woods, 14-time major champion na hindi pa nananalo ng major title magmula noong 2008 US Open, ay sumailalim sa spinal fusion surgery noong Abril 2017 matapos ang ilang taong back pain at nagbalik-aksiyon noong nakaraang Disyembre, kung saan umangat siya sa ika-50 puwesto mula sa ika-1,200 sa mundo.
Ang dating world number one ay sumalo sa ikalawang puwesto noong Marso sa PGA Valspar Champi-onship, sumosyo sa ikaapat na puwesto sa PGA National at noong nakaraang buwan ay pansaman-talang nanguna sa final round ng British Open bago nagkasya sa sosyohan sa ika-6 na puwesto sa Car-noustie sa likod ni Italian winner Francesco Molinari.
“I certainly can win again,” wika ni Woods. “I feel like I’m starting to hit the ball a little more crisp. And since I’ve switched putters, I’ve started to make some putts. When you make putts here and there, it changes everything.”
Si Woods, 42, ay nagwagi ng 79 career US PGA titles subalit hindi pa nananalo sa anumang torneo magmula noong 2013 WGC Bridgestone Invita-tional.
“I’ve had an opportunity to win a couple times this year,” aniya. “My game has gotten better and good enough where I feel like I can win again out here.”
Comments are closed.