16-17 YEARS OLD WITH COMORBIDITY PUWEDE NANG BAKUNAHAN

INIHAYAG ng isang opsiyal ng Department of Health (DOH) na maging ang persons with comorbidity na nagkaka-edad lamang ng 16-17-years old ay maaaring magpabakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kailangan lamang kumuha ng mga ito ng clearance mula sa kanyang doktor upang makapagpaturok ng bakuna.

“Kung meron hong isang bata na 16 to 17-year-old with comorbidity na kasama sa ating rekomendasyon maaari naman siyang mabigyan,” ani Vergeire, sa panayam ng teleradyo.

“Kailangan lang mayroon siyang clearance mula sa kanyang doktor,” aniya pa.

Samantala, pinag-aaralan pa ng ahensiya ang panukala at emergency use applications para sa paggamit ng coronavirus jabs sa mga bata.

“Children have the lowest risk of getting hospitalized or severe infections of COVID-19 and because of scarcity of supplies currently in the country atin munang itutuloy ang priority framework,” ayon naman kay Vergeire.

Una nang sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez na kinakailangan ng pamahalaan na bumili ng 60 milyon pang COVID-19 vaccine doses kung isasama ng pamahalaan ang mga bata sa vaccination program. Ana Rosario Hernandez

6 thoughts on “16-17 YEARS OLD WITH COMORBIDITY PUWEDE NANG BAKUNAHAN”

  1. 428065 48907To your organization online business owner, releasing an essential company could be the bread so butter inside of their opportunity, and choosing a amazing child care company often indicates the particular between a victorious operation this really is. how to start a daycare 455616

  2. 528238 319192Wow, incredible weblog layout! How long have you been blogging for? you make blogging appear straightforward. The overall look of your site is great, as effectively as the content material! xrumer 209073

  3. 77834 780280Some genuinely good and valuable information on this internet site , besides I believe the style contains great functions. 313772

Comments are closed.