16.3M PINOY WALANG ID

Rep Romualdo

PAGTATAG ng Philippine Identification System (PhilSys)  ay makatutulong  sa ma­raming Pilipino na makakuha ng mahaha­lagang serbisyo, katulad ng edukasyon, proteksiyon, health care, banking at finance.

Ito ang pahayag ng isa sa mga pangunahing may akda ng panukalang bumuo ng national identification system sa bansa na si Camiguin Representative Xavier Jesus D. Romualdo.

“The PhilSys is particularly important for vulnerable sectors of our population, like those who are marginalized and living in poverty and those living in remote areas. Once they have the means to prove their identity, people will be empowered to exercise their rights and privileges and access basic services,”  pahayag ni Romualdo.

Ayon sa Identification for Development initiative ng World Bank, mahigit sa 16.3 milyong Pilipino ang walang ka­ti­bayan ng pagkakaki­lanlan na pumipigil para makakuha ng financial services ng gobyerno.

Nakatakdang ratipikahan ng Kongreso sa susunod na linggo ang nasabing panukala.

Upang maalis ang   hinala ng mga kritiko na malalabag  ang karapatan at privacy ng mamamayan, sinabi ni Rep. Ro­mualdo, na tinitiyak ng Kongreso na  tanging basic personal information lamang ang ilalagay sa PhilSys at ito ay protektado at mananatiling confidential.

Ipinaliwanag  nito na  pangalan, kasarian, address, kapanganakan at lugar ng kapanganakan, blood type, at biometric data, katulad ng litrato at fingerprints, ang  kaila­ngan  para maipasok sa PhilSys, at ang pagsisiwalat sa iba sa stored data at impormasyon, kahit  ang law enforcement agencies at military, ay ipagbabawal at may katapat na parusa.

Sa  reconciled version ng panukala ay pinapayagan ang pagsisiwalat ng impormasyon kung mismong ang taong may-ari na nakarehistro ang  pumayag, sa mga kadahilanan katulad  na lamang kung ito ay iutos ng korte.

2 thoughts on “16.3M PINOY WALANG ID”

  1. 722424 931033Hello. Cool post. Theres an concern with the website in internet explorer, and you might want to test this The browser will be the marketplace chief and a large element of other folks will miss your wonderful writing due to this issue. 526709

Comments are closed.