16 AMBULANSIYA AYUDA NG DOH SA CALABARZON

Ambulansya

CAVITE-LABIN-ANIM pang karagdagan na mga ambulansiya ang ipinamigay ng Department of Health (DOH)-CALABARZON (Cavite Laguna Batangas  Rizal Quezon)  sa Rehiyon.

Ayon kay DOH-CALABARZON Regional Director Eduardo C. Janairo, inuna niyang binigyan ang mga ospital at health facilities na tumatanggap ng mga COVID-19 na pasyente.

Aniya, higit na kailangan ang mga ambulansiya sa mga lugar kung saan ipinapatupad ang travel restrictions.

“These land ambulances are necessities and are essential help especially now that travel restrictions are currently imposed due to the pandemic. Kailangan nating makaresponde agad lalo na sa mga emergency covid patients natin para madala sila sa pinakamalapit na health facility at mabigyan ng agarang lunas upang hidi na rin makawa pa ng iba at kumalat sa komunidad,” ani Janairo.

Sa kabuuan, mayroon ng 46 na mga land ambulance ang naipamigay na sa mga health facilities sa CALABARZON.

Ang bawat ambulansiya ay nilagyan ng mga me­dical supplies na kinakailangan tuwing emergency kabilang ang automatic external defibrillator, nebulizer, portable suction machine, examining light, aneroid sphygmomanometer, folding stretcher, scoop stretcher, heavy duty stethoscope, at oxygen cylinder.

Mayroon din ilang ambulansiya na nilagyan ng LED TV na may flashdrive kung saan mapapanood ang mga impormasyon tungkol sa COVID. PAUL ROLDAN

Comments are closed.