16-ANYOS NA BUNTIS BINARIL SA HALL OF JUSTICE

pinagbabaril

CAGAYAN DE ORO CITY – HUSTISYA ang sigaw ng pamilya ng isang menor na binaril  sa labas ng Hall of Justice ng Cagayan de Oro City matapos na dumalo sa pagdinig kaugnay sa kasong pangmomolestiya na isinampa nito sa isang pulis na dati niyang amo.

Kritikal at kasaluku­yang binabantayan ang kalagayan ng buntis sanhi ng tinamong tama ng punglo sa leeg matapos na barilin ng riding in tandem.

Sa ulat ng CDO Police office, isinagawa ang pamamaril ng riding in tandem sa Barangay Carmen sa nasabing siyudad sa harapan lamang ng Hall of Justice.

Sa CCTV footage ng isang gasolinahan sa Mastersons Avenue, ay nakuhan ng video footage  ang motorsiklo na sinakyan ng dalawang lalaking naka-helmet na pumuwesto sa tapat ng nasabing gusali.

Habang tumatawid  sa pedestrian lane ang tatlong babae mula sa nasabing gusali ay nilapitan sila ng motorsiklo sakay ang mga suspek at makiki-tang natumba na ang isa sa kanila.

Ayon sa Cagayan de Oro City Police Office, galing sa arraignment ang biktima sa isinampa nitong kasong act of lasciviousness laban sa dati nitong amo na isang opisyal na pulis sa Mi­samis Oriental na hindi na muna pinangalanan.

Dahil dito ay pinag utos na isailalim sa 24 oras na pagbabantay ang biktima sa hospital.

Kumikilos na rin ang PNP Women and Children’s Desk para makakuha sila ng karagdagang impormasyon na maaaring makatulong sa kanilang imbestigasyon. VERLIN RUIZ

Comments are closed.