16 BALA KAY MAYOR BOTE NG GEN. TINIO

MAYOR BOTE

NUEVA ECIJA – DEAD on arrival sa MV Gallego Hospital sa Cabanatuan City si General Tinio, da­ting bayan ng Papaya, sa Nueva Ecija makaraang pagbabarilin ng lalaki kahapon.

Naganap ang pamamaril kay  Ferdinand Padolina Bote, 57-anyos, alas- 4:30 ng hapon  sa harap ng NIA Office sa  Maharlika Highway, Brgy. Imelda, Cabanatuan City.

Batay sa video footage, papalabas na ng compound ng NIA ang sinasakyang To­yota Fortuner na kulay beige ni Bote kung saan ito ay nakaupo katabi ng driver at nakitang may tumawid na isang motorsiklo lulan ang dalawang naka-jacket ng itim.

Dahil papatawid ang motorsiklo ay huminto ang sasakyan ng alkalde na sinamantala ng umano’y hired killer at bumaba sa motorsiklo at malapitang pinagbabaril ang alkalde.

Batay pa rin sa video footage umandar pa ang sasakyan ng biktima at lumiko pakaliwa habang tumakas ang mga suspek patungong silangang direksiyon.

Sinabi nina SPO2 Ronnel Balundo at SPO1 Erwin Gonzales, wala nang buhay si Bote nang makarating sa ospital.

Tiniyak naman ni PNP Public Information Office Chief, Sr. Supt. Benigno Durana Jr., batay sa video footage, marami nang lead na makukuha ang imbestigasyon at tiniyak na tutukuyin ang utak ng pamamaslang at motibo nito. EUNICE C.

4 thoughts on “16 BALA KAY MAYOR BOTE NG GEN. TINIO”

  1. *I’m impressed, I must say. Really rarely do I encounter a blog that’s both educative and entertaining, and let me tell you, you have hit the nail on the head. Your idea is outstanding; the issue is something that not enough people are speaking intelligently about. I am very happy that I stumbled across this in my search for something relating to this.

  2. I had been honored to obtain a call from a friend as he found the important guidelines shared on the site. Browsing your blog post is a real wonderful experience. Thanks again for thinking of readers like me, and I hope for you the best of achievements as being a professional discipline.

  3. After study many of the blog articles in your web site now, and i truly such as your technique for blogging. I bookmarked it to my bookmark internet site list and are checking back soon. Pls look into my site also and inform me how you feel.

Comments are closed.