16 BRGYs SA SAN PABLO CITY ‘DRUG CLEARED’

LUNGSOD NG SAN PABLO – UMAABOT sa 16 na Barangay ng lungsod na ito ang idineklarang ” Drug Cleared” Barangay sa buong Calabarzon.

Makaraan ang isinagawang 1st Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing Deliberation on Declaration and Awarding on Drug na ginanap sa San Lazaro Leisure and Business Park, Carmona, Cavite, nanguna ang naturang lungsod sa may pinakamaraming “Drug Cleared” Barangays.

Nauna rito, pito sa may 80 Barangay ng lungsod ang idineklarang drug cleared kamakailan kung saan sumunod ang nasa siyam pa sa mga ito.

Kinabibilangan ito ng Bgy. Bautista sa ilalim ni Chairman Lamberto Herrera, Bgy. VI-D, Chairwoman Jenalyn Mendoza, Bgy. V-B, Chairwoman Susan Briones, Bgy. VI-B, Chairman Gernar Avinante, Bgy. II-D, Chairman Salvador Gamara, Bgy. II-E, Chairman Romnic Manalo, Bgy. San Isidro, Chairwoman JasminAlcantara, Brgy. San Lorenzo, Chairman Ronaldo Flores at Bgy. Soledad, Chairwoman Teresa Gonzales.

Isinagawa ang Deliberation sa ilalim ng tumayong mga Panelist na sina PDEA IV-A Regional Director Jigger Montallana, DOH IV-A, Theresa Malubag, Marielle Anne Odchigue, DILG ACAD, Focal Person, miyembro ng PRO4A at opisyales ng DILG IV-A.

Kaugnay nito, patuloy ang isinasagawang monitoring ng itinalagang pamunuan at miyembro ng PDEA Regional Oversight Committee on Dangerous Drugs sa buong Calabarzon para mahinto na ang operasyon ng iligal na droga.

Samantala, labis naman ikinatuwa ni San Pablo City Mayor Loreto “Amben” Amante ang resulta ng idinaos na programa kung saan pagpapatunay na isa itong indikasyon na mahinto na ang operasyon ng iligal na droga sa lungsod sa pakikipagtulungan na rin ng mamamayan at pulisya. DICK GARAY

One thought on “16 BRGYs SA SAN PABLO CITY ‘DRUG CLEARED’”

Comments are closed.