16 COLLAPSIBLE TENTS IPINAMAHAGI NG DOH

DOH

NAGKALOOB ang Department of Health (DOH) – CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) ng kabuuang 16 collapsible tents sa mga priority health facilities sa rehiyon upang magsilbing emergency intensive care unit (ICU) at ward para sa mga pasyente ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

“We have to augment and expand the capacity of our health facilities to accommodate the increasing number of Covid patients in the region. Hindi natin pwedeng sabihing puno na ang mga hospitals natin at hindi sila tanggapin. We have to find ways to help them. Buhay ng tao ang nakasalalay dito and we have to accept them. Naghihirap na nga sila, huwag na nating pahirapan pa. We must provide them the health access and service they need. Every health facility must be able to take care of patients seeking treatment,” ayon kay Regional Director Eduardo C. Janairo.

“The present Covid pandemic is an unprecedented health crisis that requires extraordinary amount of resources for an indefinite period of time. Lahat tayo dapat magtulungan to ensure that health facilities remain strong and stable in its ability to provide health care to all, especially during this time of pandemic,” aniya pa.

Nabatid na ang 44-bed capacity modular tent ay magsisilbi bilang extension ng health facility.

Ito umano ay mga closed tent, na mayroong floor area na may 5-metro ang lapad at 12-metro ang haba.

Ang bawat tent, na fully covered ng malambot na PVC side wall, ay nagkakahalaga ng P294,850.

Nabatid na kabilang sa 16 na health facilities na nakatanggap ng heavy duty collapsible tents ay ang Carsigma District Hospital sa GMA, General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital sa Trece Martires City, Ospital ng Imus sa Imus at Southern Tagalog Regional Hospital sa Bacoor, Cavite; General Cailles Memorial District Hospital sa Pakil, Laguna Medical Center sa Sta. Cruz, San Pablo City General Hospital sa San Pablo City, at San Pablo City District Hospital sa San Pablo City sa Laguna; Bondoc Peninsula District Hospital sa Catanauan, Claro M. Recto Memorial District Hospital sa Infanta, Gumaca District Hospital sa Gumaca, Magsaysay Memorial District Hospital sa Lopez, Quezon Medical Center sa Lucena City at RAKK Prophet Medical Center Inc. sa Gumaca sa lalawigan ng Quezon; San Juan District Hospital sa San Juan at Mabini Community Hospital sa Mabini sa Batangas.

Sinabi ni Janairo na bed occupancy rate ng mga lalawigan ng Rizal (77.8%) at Batangas (74.3%) ay nasa high risk na.

“We have moderate risk for total beds occupancy rate for the provinces of Cavite (65.2%), Laguna 63.8% and Lucena City (65.2%). The province of Quezon is at low risk with 57.8%,” aniya pa.

“We have to be prepared to handle the influx of Covid patients not only from the provinces but also those of nearby Metro Manila. Our health facilities in the region are already accepting Covid patients from NCR for treatment and care,” pahayag pa ni Janairo.

Ang apat na mega quarantine facilities sa rehiyon ay nasa 64% occupancy rate na rin at mayroong kabuuang 534 admitted patients mula sa total number na 839 beds capacity. ANA R HERNANDEZ

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *