CAGAYAN-KINUMPIRMA ng pamunuan ng Department of Health (DOH) Region 2 na umaabot sa 16 ang kaso ng Delta variant sa naturang rehiyon kahapon.
Nabatid na mula sa Isabela ang 13, dalawa sa Cagayan at isa sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.
Dahil sa patuloy ang dumaraming kaso ng Delta Variant sa rehiyong dos, nagpatupad ang lokal na pamahalaan ng Cauayan City ang “No ID, No Entry Policy” sa mga hindi residente na nagnanais na pumasok sa naturang lungsod.
Ayon kay Mayor Bernard Dy, nagpalabas siya ng kautusan na kinakailangan na mag-iwan ng valid ID ang mga non-resident na papasok ng lungsod sa mga itinalagang major checkpoint.
Kasabay nito,pinapayuhan din ang lahat ng mga residente na palaging magdala ng valid ID na siyang pagkakakilanlan kung ano ang kanilang edad upang hindi na sila maabala pa.
Gayundin, ang lahat ng may-ari ng establisimiyento sa siyudad na pairalin at sundin ang panuntunan na gawing protocol ang pagpresenta ng valid IDs sa mga papasok sa kanilang tanggapan at kung maari ay huwag payagang makapasok ang mga walang maipakitang ID o anumang proof of age and identity ng mga ito.
Sa kabuuan ay naitala ng Pilipinas ang 177 na bagong Delta variant cases na kinabibilangan ng 144 na local cases, 3 ang Returning Overseas Filipinos (ROF), at 30 cases ang kasalukuyang bineberipika kung local o ROF cases. IRENE GONZALES
813946 864412Glad to be one of several visitants on this awful web web site : D. 841269