16 ESTABLISIMIYENTO NA FRONT NG ILLEGAL GAMBLING IPINASARA

Illegal gambling

BENGUET- LABING-ANIM na establisimiyento sa Baguio City ang ipinasara ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong makaraang maging front umano bilang bar ng illegal gambling.

Sinabi ni Magalong na hindi niya kukunsintihin ang pagkakaroon ng ilegal na sugal at bar sa kanyang nasasakupan.

Ang mga isinara ay nasa public market block 4 area na nadiskubreng nagiging bar na nagtiinda ng alak gayundin ang Bingo stalls.

Inamin naman ni Magalong na unang pinayagan ang binggohan dahil ini-refer ito ng Liga ng mga Barangay bilang proyekto para makalikom ng pondo, subalit kinalaunan ay naabuso naman kaya naging front na aniya ng ibang illegal gambling activities.

Sa 16 establishments, ang 13 ay mga eatery na bandang huli ay naging bar na lumabag sa Tax Ordinance 2000-001.

Isang sari-sari store din ang isinara dahil walang permit gayundin ang pagawaan ng lumpia dahil sa kakulangan ng permiso at unsanitary conditions. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.