16 GRADE 11 STUDENTS MAY SCHOLARSHIP GRANT

CAVITE – Umaabot na 16 estuduante na nagtapos sa Grade 11 ang binigyan ng scholarship grant ng pamunuan ng Noveleta Municipal Advisory Council na ginanap sa Evangelical church sa bayan ng Noveleta.

Bukod sa financial aid ay nakatanggap din ng 5 kilong bigas ang kada estudyante bilang beneficiary project MACopA scholarship grant ng Noveleta Municipal Advisory Council.

Ang pagpili sa mga iskolar ay base sa mataas na grado sa klase na may honors sa school year 20-21 kung saan sa kabila ng kahirapan sa buhay ng kanilang mga magulang ay nanatiling mag-aral.

Kinilala ang 16 scholar stuents na sina Rosevhelle Cruz, Patrick Kyle Japson, Emmanuel Santos, Kyle Sunga, Alfred Joshua Camato, John Coline Nimo, Trishia Labra, Christian Dave Reynon, Christian Abawag, Angelica Rodriguez, Reilanie Encarnacion, Rhe May Gicar, Erica Baluyot, Kristine Absalon, Kimberly Macapagal, at si Jenron Santos.

Gayunpaman, sa muling pagbubukas ng klase sa September 2021 ay muli silang makatatanggap ng financial assistance at ang mga incoming grade 11 na bagong scholars.

Inaasahang magpapatuloy ang nasabing proyekto ng Noveleta Advisory Council na kinabibilangan nina MAC Chairman Rev. Ejay Grepo, Ross Calderon, pangulo ng Cavite Press Corp.; P/Major Alexis Tuazon chief of police sa Bayan ng Noveleta, Coun. Elvie Magat, Elsie Cruz, Pastor Fritz Carnaje, Danilo Israel, Kevin Llaneta, Carl Toledo Rotaract, OSCA Head Eleonor Cerezo ng Rotary Club of Magdiwang, at PB Melvin Torres. MHAR BASCO

5 thoughts on “16 GRADE 11 STUDENTS MAY SCHOLARSHIP GRANT”

  1. 546299 381767When I initially commented I clicked the -Notify me when new comments are added- checkbox and now each time a remark is added I get four emails with exactly the same comment. Is there any manner you possibly can take away me from that service? Thanks! 254817

Comments are closed.