16 GRADUATES NG BIDAHAN PINARANGALAN

graduates

NAVOTAS CITY – BINATI ni Mayor John Rey Tiangco ang dag­dag na 16 graduates ng Bidahan, ang community-based rehabilitation and treatment program ng Navotas para sa mga may substance use disorder (SUD).

Sa bilang na ito, 14 ang nakapagtapos ng anim na buwan at dalawa ang nakapagtapos ng 18 na buwan na counseling.

Nagpasalamat ang alkalde sa mga Navoteño para sa kanilang patuloy na suporta sa anti-drug campaign ng lungsod.

Inire-report ng mga residente ang mga ilegal na gawain sa pamamagitan ng mga Text JRT number na 0915-2601385, 0908-8868578 at 0922-8888578.

Ang mga kalahok sa Bidahan ay sumasailalim sa tatlong araw na retreat kung saan natuto sila kung ano ang epekto ng drugs sa kanilang katawan at kung paano sila makakaiwas dito.

Tinuturuan din sila ng tamang pag-aayos, healthy lifestyle, at pagpapahalaga sa sarili at sa kanilang mga mahal sa buhay.

Sumasailalim din sila sa counseling dalawang beses sa isang linggo sa loob ng anim na buwan at isang beses isang linggo sa loob ng 18 buwan, at random drug testing para masi­guro ang kanilang pagsunod sa programa.

Kasama sa Navotas anti-drug campaign ang Nurture and Educate Surrenderees Towards Transformation (NEST) ng Philippine National Police (PNP)–Navotas, at mga faith-based na programa tulad ng Sipag at Gabay. VICK TANES

2 thoughts on “16 GRADUATES NG BIDAHAN PINARANGALAN”

  1. 577253 925661We offer the best practical and most applicable solutions. All our Sydney plumbers are experienced and qualified and are able to speedily assess your issue and discover the most effective solution. 390701

  2. 835946 749171Simply wanna input that you have a extremely nice site , I enjoy the pattern it actually stands out. 543689

Comments are closed.