16 LABOR LEADERS UMAMIN NA KASAPI NG CPP-NPA

Arnulfo Marcelo Burgos

NAGING tampok sa selebrasyon ng Labor Day ang pag-amin ng 16 na labor leaders na sumuko sa pinagsanib na puwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) at sinabing sila ay kasapi ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa pagtitipong ginawa sa Calamba, Laguna.

Ayon sa mga nagbalik loob sa pamahalaan , lahat sila ay labor union members ng isang softdrink factory sa Sta Rosa, Laguna na ni-recruit para sumanib sa underground movement para guluhin ang industrial sector na kilalang white area operations ng CPP-NPA.

Inihayag naman ni Col Alex Rillera, Commander ng  202nd Brigade na siyang may  operational jurisdiction sa  CALABARZON’s industrial areas, apat sa mga sumuko ay pawing mga full time communist party members habang mga ‘kandidatong kasapi’ naman ang ilan sa kanila.

Ayon kay Philippine Army 2nd Infantry Division commander Maj.Gen Arnulfo Marcelo Burgos, ang nasabing apat na labor leader at full time mebers ng NPA ay nagsalong ng kanilang mga sandata kasabay ng pa gamin na naranasan na rin nilang sumama sa mga opensibang gerilya ng CPP-NPA.

Sinabi pa ni Burgos na ang ginawa ng 16 na labor leaders ang pinakamalaking sakripisyong ginawa nila para milyon milyong kasapi ng labor force kasabay sap ag gunita sa Araw ng Paggawa o Labor Day. VERLIN RUIZ

Comments are closed.