KINUMPIRMA ng Department of Health – Calabarzon kahapon na tumaas ng 124 percent ang kaso ng Dengue sa rehiyon batay sa latest monitoring ng health units ng local government units (LGUs).
Ito ang nabatid sa lumabas na ulat na 16 na rin ang namamatay sa naturang sakit mula Hunyo ng kasalukuyang taon.
Sa pinakabagong tala ng DOH nasa 9, 423 ang kabuuang kaso ng Dengue mula sa limang pangunahing lalawigan ng rehiyon.
Ang bilang ay dumoble umano sa nagkasakit sa kaparehong petsa ng nakaraangp taon.
Nangunguna pa rin ang Laguna sa dami ng may sakit sa bilang na 2, 774 sinundan ng Rizal na may 2,108; Cavite , 1,574; Quezon, 1,573 at Batangas na may 1,273 na kaso.
Base pa rin sa datos ng DOH maari pang tumaas ang bilang dahil sa pagsisimula ng klase at ang patuloy na pag- ulan kung saan ito umano ang kasagsagan ng pangingitlog ng mga babaeng lamok na siyang pangunahing Dengue carrier sa paligid.
Hinimok ng DOH ang kampanyang search and destroy sa lahat para puksain ang pinamumugaran ng mga lamok lalo na sa mga canal, plastic cups, mga plants pots at mga sulok ng kwarto na madilim at basa. ARMAN CAMBE