16 NORTH KOREAN OLYMPIC ATHLETES WALANG ‘GIFT’ NA SMARTPHONES

NAMUMUKOD ang 16 North Korean Olympic athletes sa libu-libong atleta sa 2024 Paris Olympic na hindi nabiyayaan ng special Olympics edition na Galaxy Z Flip 6 smartphones mula sa South Korean electronics Samsung na bahagi ng kanilaang sponsorship package sa mga competitor sa nasabing games.

Base sa ulat ng mga news agency, ayon sa International Olympic Committee namahagi ng special edition na smartphones ang nasabing electronic company sa mga atleta maliban sa North Korean Olympic athletes.

Sa opisyal na pahayag ng IOC, nakasaad na “We can confirm that the athletes of the National Olympic Committee of Democratic People’s Republic of Korea  (DPRK) have not receives the Samsung phones.”

Ang kontrobersyal na pahayag ng IOC ay biglang lumutang noong Miyerkules matapos magpalabas ng ulat ang isang news agency na Radio Free Asia na kanilang pinagbasehan mula sa ilang opisyal ng Paris Olympics na binigyan ng Samsung smartphones ang North Korean delegation.

Dito na nagbabala ang South Korean Foreign Ministry na ang pagbibigay ng smartphones sa mga nasabing atleta ng North Korea ay paglabag sa U.N sanctions laban sa nuclear-armed North.

Samantalang ang North at South Korean table tennis players ay naaktuhang nagpakuha ng litrato gamit ang Samsung phones noong nakalipas na Linggo kung saan nasungkit ng North Koean team ang silver medal habang ang South Korean ay bronze medal.

Magugunita na naging headlines sa mga news agency ang opening ceremony ng Paris Olympics kung saan nagkamali ng pagpapakila ang IOC sa South Korean na mula raw sa Democratic People’s Republic of Korea kaya sumiklab ang galit mula sa Seoul.

Kaagad naman nagpaumanhin si IOC President Thomas Bach sa South Korean President Yoon Suk Yeol kung saan sinabi ng IOC na human error.

Lumilitaw din sa ulat ng mga news agency na ang North Korean ay hindi lumahok sa Tokyo 2022 at Beijing 2022 Olympics subalit sumali sa 2024 Paris Olympics kung saan nakasungit ng 2 silver medal at 4 bronze medal habang ang South Korean naman ay nakakuha ng 28 medals kabilang na ang 13 gintong medalya noong Biyernes at sinasabing strongest  team simula noong London 2012 Olympics.

MHAR BASCO