16 NPA MEMBERS BULAGTA SA SAGUPAAN SA SAMAR

LABING-ANIM na umano’y miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nasawi sa nagpapatuloy na bakbakan sa bayan ng Dolores, Eastern Samar.

Nagsimula ang labanan ng militar at rebelde alas- 4 ng madaling araw kahapon sa Barangay Osmena.

Sinabi ni 8th Infantry Division spokesperson Major Reynaldo Aragones pinuntahan ng mga sundalo ang bomb making hideout ng mga NPA at doon na nagkaroon nang matinding bakbakan.

Kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Col. Ramon Zagala na nagpapatuloy ang kanilang operasyon laban sa hindi mabilang na miyembro ng NPA sa nasabing barangay.

Aniya, nagsimula ang operasyon alas -4:00 pa ng madaling araw na nagresulta sa pagkasawi ng 16 na NPA habang nakuha ng militar sa mga NPA ang 29 na mga matataas na kalibre ng armas.

Agad aniyang humingi ng suporta ang tropa sa ground kaya mayroong joint ground, sea at sea operations laban sa NPA. REA SARMIENTO/ VERLIN RUIZ

90 thoughts on “16 NPA MEMBERS BULAGTA SA SAGUPAAN SA SAMAR”

Comments are closed.