PANGASINAN – LABINWALO katao ang nabiktima ng firecracker related injuries sa lalawigang ito bago pa magpalit ng taon.
Base ito sa tala ng Pangasinan Provincial Health Office o PPHO mula Disyembre 21 hanggang Disyembre 30, 2018.
Mas mataas ngayon kumpara sa lima na naitala sa kaparehong panahon noong 2017 sa lalawigan ng Pangasinan.
Ang mga biktima ay edad 12, 15 at 54 na pawang mula sa bayan ng Bani, San Jacinto at San Carlos City.
Ang mga biktima ay gumamit umano ng pulbura, baby rocket at triangle.
Dalawa sa mga ito ay nasabugan sa kamay at isa ay mayroong eye injury. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.