CAMARINES NORTE- PINALIPAS lamang ng walong rebelde ang ika-53 anibersaryo ng Communist Party of the Philippines (CPP) at sumuko rin ang mga ito sa PNP-Police Regional Office 5 sa bayan ng Daet.
Kinumpirma naman ni PBGen Jonnel Estomo, regional director ng PRO-5, sa tulong ng Camarines Norte Provincial Police at ng lokal na pamahalaan, natulungan ang walong lalaki na sumuko sa Camp Wenceslao Vinzons Sr.
Sinuko rin ng mga lalaki ang ibat-ibang mga baril, bala, grenade rifle at iba pang mga armas at pampasabog. inamin ng mga lalaki na miyembro sila ng isang communist group at sangkot umano sa iba’t ibang krimen gaya ng paghingi ng revolutinary tax at pag ambush sa mga pulis at military sa rehiyon.
Samantala, walo ring dating rebelde mula Central Negros ang sumuko sa pamamagitan ng Joint Local Task Force ELCAC at Local Peace Engagement Cluster sa Headquarters 62IB, Brgy Libas, Isabela, Negros Occidental nitong December 26, 2021 isang araw matapos din ang Pasko.
Sinaksihan nina Brigadier General Inocencio Pasaporte, 303rd Brigade Commander; Major Alenel Valles, OIC/Battalion EX-O, 62IB; Police LtColonel Roland Lavisto, COP Guihulngan City; Police LtColonel Miguel Andeza, Acting COP, Canlaon City at iba pang Local Peace Engagement members.
Tumanggap ng kanikanilang Christmas gifts at iba pang regalo ang mga dating rebelde mula sa JLTF-ELCAC ng Central Negros at 303rd Brigade.
Tampok sa kaganapan ang pagsunog sa CPP-NPA Flag para ipakita ang kanilang pormal na pagsuko at pagkalas sa kanilang suporta at ugnayan sa CPP-NPA. VERLIN RUIZ