LAGUNA – Magkakahiwalay na naaresto ng pinagsanib na elemento ng Provincial Intelligence Branch (PIB) Biñan City at Cabuyao PNP Drug Enforcement Unit (DEU) ang 16 na Drug Personalities makaraang magsagawa ang mga ito ng buy bust operation kamakalawa.
Batay sa ulat ni Laguna PNP Provincial Director PSSupt. Kirby John Kraft kay PRO4A Calabarzon PNP Director PCSupt. Edward Carranza, nakilala ang naarestong mga suspek sa Brgy. Canlalay Biñan City na sina Angelica Mirasol Ortega alyas Ake, 31, Rolando Angeles Mendoza, 29, Nichole Dabuet Dela Cruz, 37, Dennis Perez Almanzor, 43, Lorenzo Owie Francisco, 50, Jaycee Diaz Roldan, 41, Ricky Macaylas Tinio, 37, Ernesto Litan Sabido, 41, Gabriel Cervantes Flores, 34, Alexander Agaran Parado, 32, Michael Bueno Posadas, 41, at Gilbert Villanueva Cacao, 35, pawang mga residente ng lungsod ng San Pedro, Biñan, Sta. Rosa, Calamba at ng Padre Garcia, Batangas.
Kaugnay nito, apat naman ang magkakasunod na naaresto ni Cabuyao City Chief of Police PSupt. Arvin Avelino at kanyang mga tauhan na sina Jorge Saturno, 50, alyas “Jojo”, live-in partner na si Ronalyn Casañas, 22, at dalawang kaanak na sina Rodelyn, 24, at Arlene, 40, pawang mga residente ng Brgy. 2, lungsod ng Calamba. DICK GARAY /PILIPINO Mirror