PARAÑAQUE CITY-UMAABOT sa 160 alien sex offenders ang hindi pinayagan ng Bureau of Immgration (BI) na makapasok sa bansa noong 2019.
Ayon report na nakarating kay Bureau of Immgration Conmissioner Jaime Morente tumaas ang bilang ng mga sex offender noong 2019 kung ikukumpara noong nakaraang taon 2018.
Lumalabas na karamihan sa mga RSO ay nahuli sa iba’t ibang paliparan sa bansa, ito ay may kinalaman sa tuloy-tuloy na kampanya ng BI. laban sa ilegal alien.
Anila, ang tinutukoy na RSO ay ang mga dayuhan na pinatawan ng penalty ng husgado at nakalabas dahil sa pamamgitan ng parole o probation.
Dagdag pa ng immigration na ang mga naaresto ay nasangkot sa moral turpitude, o sexually nang molestiya ng mga menor.
Sa United States at sa Western Countries ay pinanatili ng mga ito ang offender registry upang madaling ma-trace ng pamahalaan ang kinaroroonan at ginagawa habang nasa labas ng kulungan ang mga ito.
Ayon sa statistics nangunguna ang mga Amerikano na umaabot ng 128, sumunod ang Briton na nasa 11, anim na Australian, apat na Chinese at dalawang New Zealanders.
Kasama rin sa listahan ang Cameroonian, Canadian, German, Guatemalan, Irish, Jorean, Malaysian, Russian at Taiwan. FROI MORALLOS
Comments are closed.