160 PINOY ATHLETES SASABAK SA AIMAG

Abraham Tolentino

INAPRUBAHAN ng Philippine Olympic Committee (POC) ang 160-athlete delegation na sasabak sa 21 sa 31sports sa sixth Asian Indoor and Martial Arts Games (AIMAG) na gaganapin sa March 10-20 sa Bangkok at Chonburi, Thailand.

“We have put together a delegation whose members are all potential for the medals,” wika ni POC President Rep. Abraham “Bambol” Tolentino kung saan binigyang-diin niya na nakatuon ang pagpili sa individual at weight-categorized sports.

“The objective is to ride the momentum of the Tokyo Olympics success and surpass our two gold medals won in the last AIMAG in Turkmenistan in 2017,” dagdag ni Tolentino.

Nagbigay sina Margarita Ochoa (women Newaza – 45 kgs) at Annie Ramirez (women Ne-waza -55 kgs) ng dalawang gold medals sa Ashgabat, kung saan 105 Filipino athletes ang lumahok sa 17 sa 21 sports at nag-uwi ng kabuuang 30 medals (14 silvers at 14 bronzes).

Bahagi si Hidilyn Diaz ng delegasyon sa  Ashgabat at nagwagi ng weightlifting silver medal. Muli siyang nanalo sa  won Jakarta 2018 Asian Games at nakopo ang kauna-unahang Olympic gold medal ng bansa sa Tokyo, kung saan nagwagi rin sina boxers Nesthy Petecio at Carlo Paalam ng silvers at Eumir Felix Marcial ng bronze para sa pinakamagandang performance ng Pilipinas sa Games.

Ang 21 sports na lalahukan ng Filipino athletes sa Thailand ay aquatics, 3×3 basketball, billiards, bowling, chess, dancesport, e-sports, indoor athletics, indoor rowing, jiu-jitsu, karate, kickboxing, kurash, muay, pencak silat, sambo, sepak takraw, shooting, skateboarding, taekwondo at wrestling.

Orihinal na itinakda ng Thailand ang sixth edition ng AIMAG noong nakaraang May 21-30, ngunit ipinagpaliban ito dahil sa COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Tolentino na ipiprisinta niya ang bumubuo sa Team Philippines kay chef de mission Ricky Lim, presidente ng karate association, sa online meeting ng national Olympic committee presidents at chefs de mission.

Apatnapu’t limang bansa, kabilang ang 18 mula sa Oceania, ang inaasahanf lalahok sa torneo.

Ang China ang all-time medals winner sa AIMAG na may 419—204-119-96 gold-silver-bronze), kasunod ang Thailand na may 359 medals (108-106-145) at Kazakhstan 305 (103-92-110).

Ang Pilipinas ay nasa No. 18 na may kabuuang medalya na 69 (8-26-35).

Comments are closed.