1,600 PINOY WORKERS BUMALIK SA BANSA

NAIA

AABOT sa 1,600 distress Filipino repatriates ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon.

Sa abiso ng MIAA ng Media affairs division Office, unang dumating ang 300 Pinoy repatriates mula UAE sakay ng Philippine Airlines flight PR659 na lumapag sa NAIA Terminal 2.

Sumunod ang 350 Fililpino repatriates mula Riyadh na lulan pa rin ng Philippine Airlines flight PR655 na lumapag ng alas-12  ng tanghali sa NAIA.

Gayundin din ang 300 Filipino repatriates mula naman sa Jeddah sakay ng Saudia Airlines flight SV862 na dumating ng ala-1:40 ng hapon.

Habang 350 Pinoy repatriates mula Dubai sakay ng Emirates Airlines flight EK332 ay lumapag ng alas-4:15 ng hapon.

At alas-10:05 ng gabi dumating ang Asians Airlines flight OZ703 na sakay naman ang 300 Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa bansang Korea. LIZA SORIANO

Comments are closed.