16,044 NAITALANG BAGONG KASO NG COVID-19

DOH

INIULAT  ng Department of Health (DOH) na nakapagtala pa ang bansa ng 16,044 bagong kaso ng COVID-19 sa araw ng Linggo.

Sa case bulletin no. 526 na inisyu ng DOH, nabatid na dahil sa mga bagong kaso ng sakit, umaabot na ngayon sa 1,839,635 ang total COVID-19 cases sa bansa hanggang Agosto 22, 2021.

Sa naturang bilang, nabatid na 6.8% pa o 125,900 ang kabuuang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.

Sa active cases naman, 93.8% na mild cases, 3.4% na asymptomatic, 1.2% na severe, 0.94% na moderate at 0.6% na kritikal.

Samantala, nakapagtala pa ang DOH ng 13,952 pang bagong gumaling sa sakit.

Sa ngayon, nasa 1,681,925 na ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 91.4% ng total cases.

Mayroon namang 215 pang pasyente ang iniulat na sinawimpalad na bawian ng buhay dahil sa karamdaman.

Sa kabuuan, umaabot na sa 31,810 ang total COVID-19 deaths sa Pilipinas o 1.73% ng total cases.

Ayon pa sa DOH, mayroon silang 460 duplicates na inalis mula sa total case count, kabilang ang 427 ang recoveries at isa ang patay.

Mayroon namang 120 kaso na unang tinukoy bilang recoveries ngunit malaunan ay natukoy na namatay na pala, sa pinal na balidasyon.

Anang DOH, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong Agosto 20, 2021 habang mayroong anim na laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

“Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 6 labs na ito ay humigit kumulang 2.9% sa lahat ng samples na naitest at 3.4% sa lahat ng positibong mga indibidwal,” anang DOH.

Sinabi rin naman ng DOH na sa mga susunod na araw ay maaari pang tumaas ang mga kaso ng COVID-19 na maitatala sa bansa kaya’t pinayuhan nito ang mga mamamayan na patuloy na maging maingat at tumalima sa ipinaiiral na health and safety protocols ng pamahalaan.

“Ang pagsunod sa minimum public health standards, maiging pagsasagawa ng PDITR strategies, at pagpapabakuna ay nananatiling pinakamabisang depensa sa COVID-19. Mahalaga rin na tayo ay mag-isolate at makipag-ugnayan sa BHERTs kung tayo ay may sintomas ng COVID-19. Ang maagang konsultasyon at pagpapa-test ay makatutulong upang maputol ang hawahan sa mga bahay, komunidad, at sa mga lugar na pinagtatrabahuhan,” anang DOH. Ana Rosario Hernandez

347 thoughts on “16,044 NAITALANG BAGONG KASO NG COVID-19”

  1. What side effects can this medication cause? Everything what you want to know about pills.
    buy ivermectin uk
    Get warning information here. Everything information about medication.

  2. I’m really enjoying the design and layout of your blog.
    It’s a very easy on the eyes which makes it much more enjoyable for me to come here and visit more often. Did
    you hire out a designer to create your theme? Outstanding work!

  3. Comprehensive side effect and adverse reaction information. Best and news about drug.
    https://tadalafil1st.com/# tadalafil 2.5 mg generic
    Some are medicines that help people when doctors prescribe. Definitive journal of drugs and therapeutics.

  4. I have read so many posts about the blogger lovers however this post is really a good piece of writing, keep it up 총판 you could help them greatly. Cheers!

Comments are closed.