160K PNP FULLY VACCINATED NA

HALOS apat na porsiyento ng kabuuang puwersa ng Philippine National Police (PNP) o 8,000 pulis ang hindi pa nababakunahan kontra COVID-19.

Hanggang kahapon, batay sa datos ng PNP-Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF) na pinamumunuan ni Deputy Chief for Administration, Lt. Gen. Joselito Vera Cruz, sumampa na sa 160,702 na personnel ng police force ang fully vaccinated kontra COVID-19 o 72.15% ng kabuuang 222,743 PNP personnel.

Mayroon namang 53,818 na pulis o 24.16% populasyon ng police force ang nakatanggap na ng unang dose ng COVID-19 vaccine habang 8,223 o 3.69% ang hindi pa nababakunahan.

Sa nasabing bilang na hindi pa nababakunahan, 1,395 pulis o 0.63 percent ang may kaukulang dahilan kung bakit hindi pa natuturukan habang 6,887 o 3.06 percent ang ayaw magpabakuna.

Bagaman nasa 3.69 percent na lamang ang hindi bakunado, nilinaw naman ni Vera Cruz na hindi nila maikokonsidera na naabot na ng police force ang herd immunity.

Paliwanag ni Vera Cruz hindi naman sa PNP camps lang at sa mga istasyon ang ginagalawan ng mga pulis kundi sa buong bansa.

Aniya,ang pagiging basehan na makamit ng herd community ay ang buong populasyon ng Pilipinas.

“Hindi naman kasi within PNP lang ang ginagalawan ng mga tropa natin kaya sa tingin ko ‘yung percentage vaccination ng general population ang magiging gauge natin sa herd immunity,” dagdag pa ni Vera Cruz. EUNICE CELARIO

4 thoughts on “160K PNP FULLY VACCINATED NA”

  1. 674659 100840Hiya. Extremely cool site!! Man .. Beautiful .. Fantastic .. I will bookmark your internet website and take the feeds additionallyI am happy to discover numerous beneficial info here within the post. Thank you for sharing 121749

Comments are closed.