INIULAT kahapon ng Philippine Coast Guard (PCG) na umabot na sa 1,611 overseas Filipino workers (OFWs) ang lumabas na negatibo sa COVID-19.
Batay sa datos na isinagawang RT-PCR test ng Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs na naitala ang nasabing bilang ng mga negatibo sa COVID-19 mula alas-12:06 ng madaling-araw hanggang alas-8:14 ng gabi nitong Biyernes.
Gayunpaman, ayon sa PCG kabilang sa datos ang mga OFW at non-OFW.
Kasabay nito, inabisuhan naman ang mga returning overseas Filipino na kabilang sa listahan na makipag-ugnayan sa PCG at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) personnel sa quarantine facility para sa pagproseso ng pag-uwi sa kani-kanilang probinsiya.
At ibibigay ang quarantine clearances sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) o Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.
Comments are closed.