UMABOT na sa 1,615 katao ang naaresto sa paglabag sa election gun ban na ipinatupad noong Agosto 28.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, ang nasabing bilang ng mga naaresto ay hanggang 11:59 ng Oktubre 19 o unang araw naman ng 10-day campaign period para sa Barangay and Sangguniang Kabataan Election (BSKE) 2023.
Nasa 1,210 armas naman ang nakumpiska, 2,194 ang idineposito para itago at 1,483 ang isinuko sa PNP.
Sinabi ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr. na malaki ang tulong ng pagpapatupad ng gunban upang matiyak na magiging mapayapa at maayos ang halalan.
Ang pagkakakumpiska naman ng loose firearms ay magandang senyales din sa pagsusulong ng kapayapaan sa eleksyon.
EUNICE CELARIO