162 BRGYs NAMEMELIGRO SA LAHAR NG KANLAON

NEGROS OCCIDEN­TAL – KABUUANG 162 barangay sa 12 munisipalidad ng lala­wigang ito ang name­meligro sa pag-agos ng lahar mula sa nag-aalburutong Bulkang Kanlaon.

Ito ang  naging babala ng Office of the Civil Defense at iniulat na nasa 644.487 residente ang apektado  sa pag-alburuto ng bulkan na ngayon ay nakataas sa alert level 2.

Nanawagan naman si Raul Fernandez, Director ng OCD Western Visayas  at pinuno ng Regional Task Force Kanlaon sa mga apektadong residente na dagdagan ang pagbaban­tay upang makaiwas sa kapahamakan.

Ang babala ng lahar flow ay dahil sa matinding pag-ulan  bunsod ng Low Pressure Area  (LP) na na­ging Bagyong Querubin ka­ya maulan sa lugar.

Bukod sa lahar flow, ibinabala rin PAGASA ang flashfloods at landslides sa lugar.

EUNICE CELARIO