1,629 BILANGGO NABAKUNAHAN NA

INIHAYAG ng pamahalaang lokal ng Las Piñas na nasa 1,629 bilanggo o mga persons deprived of liberty (PDLs) ang naturukan na ng bakuna kontra COVID-19.

Sa report ng City Health Office (CHO), nagkasaad nasa 227 babaeng bilanggo ang nabakunahan na habang 1,402 namang kalalakihang bilanggo ang naturukan ng bakuna.

Ang pagbabakuna sa mga bilanggo sa Las Piñas City jail ay kabilang sa programang baksinasyon ng lungsod upang mapigil ang pagkalat pa ng COVID-19.

Dagdag pa na sa mahigit 799,000 na napagkalooban ng bakuna sa lungsod ay 427,276 residente ang nakatanggap ng unang dose habang 381,047 naman ang naturukan ng ikalawang bakuna o mga fully vaccinated na.

Sinabi din ng CHO na sa kabuuan ay nakapagturok ng vaccine ang lokal na pamahalan ng 799,531 indibidwal sa ilalim ng programang pangkalusugan na “Ligtas na Las Pineros, Lahat Bakunado” ng lungsod. MARIVIC FERNANDEZ

2 thoughts on “1,629 BILANGGO NABAKUNAHAN NA”

Comments are closed.