UMAABOT sa 536,197 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa buong Calabarzon matapos na madagdagan ng 163 bagong kaso.
Sa nasabing bilang, 1,955 ang active cases habang 520,370 ang mga gumaling at 13,872 na ang mga nasawi.
Ngayon, mas pinalalakas pa ang laban ng DOH para maging BIDA na ang ibig sabihin ay:
B- est fit na mask, suutin sa lahat ng oras
I- wasang makihalubilo kung masama ang pakiramdam
D- oblehin ang proteksyon sa tulong ng bakuna (Primary Series + Booster)
A- irflow ay panatilihin sa lahat ng lugar
Hiniling pa ng DOH na huwag kalimutan ang patuloy na pagsunod sa minimum public health standards.