PASAY CITY – KINUMPIRMA ng Department of Foreign Affairs (DFA) na dumating na sa bansa ang 163 Filipino na mula sa Macau.
Gayunman, sinabi ni Health Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire na hindi lahat ng mga ito ay idiniretso sa government quarantine facility sa Tarlac.
Aniya, ang mga may sintomas lamang ng coronavirus disease (COVID 19 ang dadalhin sa referral facilities habang ang mga negatibo ay inatasang mag-self-quarantine.
Dahil sa nasabing virus outbreak, napilitang ipatupad ng pamahalaan ang travel ban sa China at sa special administrative regions nito sa Hong Kong at Macau kamakailan.
Pinasalamatan naman ng Malacañang ang Macau authorities para umasiste sa repatriation ng Filipinos. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.