INIULAT ng Department of Health (DOH) na umaabot pa sa 16,361 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala nila sa Pilipinas araw ng Martes, base na rin sa case bulletin no. 556.
Ayon sa DOH, dahil sa mga bagong kaso ng sakit, umakyat na sa 2,401,916 ang naitatalang total COVID-19 cases sa bansa hanggang nitong Setyembre 21, 2021.
Sa naturang kabuuang kaso, nasa 7.1% o 171,142 pa ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman at maaari pang makahawa.
Sa aktibong kaso, 92.4% na mild cases, 2.8% na asymptomatic, 2.69% na moderate, 1.4% na severe at 0.6% na critical.
Mayroon namang 21,974 bagong pasyente ang gumaling na sa karamdaman, sanhi upang umabot na sa 2,193,700 ang total COVID-19 recoveries sa bansa, o 91.3% ng total cases.
Samantala, mayroon pang 140 pasyente ang sinawimpalad na bawian ng buhay dahil sa karamdaman.
Sa ngayon, umaabot na sa 37,074 ang COVID-19 death toll sa bansa o 1.54% ng total cases.
Kaugnay nito, iniulat din ng DOH, na mayroon pa ring 61 duplicates silang inalis mula sa total case count, kabilang dito ang 46 recoveries.
Mayroon ding 60 kaso na unang tinukoy bilang recoveries ngunit malaunan ay natuklasang namatay na pala sa pinal na balidasyon. Ana Rosario Hernandez
571753 705774Glad to be one of several visitants on this awful web internet site : D. 423573
493354 296209never saw a website like this, relaly impressed. compared to other blogs with this article this was definatly the most effective internet site. will save. 492820
810058 183453This internet page is often a walk-through its the internet you wanted about this and didnt know who to question. Glimpse here, and youll completely discover it. 305491