MAKARAAN ang mabusising ugnayan ng Philippine National Police (PNP) at Commission on Elections (COMELEC), inilabas na ang listahan ng 1,642 na mga lungsod at bayan na kabilang election areas of concern o mga lugar na binabantayan ngayong 2025 Midterm elections.
Sa nasabing listahan, natukoy ang 403 na lungsod at bayan bilang election areas of concern kabilang ang 38 lugar na nasa red category na karamihan ay nasa Mindanao.
Kasama sa listahan ang 1,239 na nasa green category, 188 na nasa yellow category, 177 na nasa orange at 38 lugar na nasa red category.
Ang basehan sa paglalagay yellow category ay kung may mga history ng election related violence sa nakalipas na eleksyon, presensya ng private armed group at mainit na labanan ng mga kandidato.
Papasok naman sa orange category kung may kombinasyon ng dalawang risk factor sa yellow category.
Red category naman kung may kombinasyon ng risk factor at presensya ng comunist group at terror group.
Sa 38 nasa red category, 32 dito ang nasa Bangsamoro region, dalawa sa region 2, dalawa sa region 5 at tig-isa sa Region 6 at Region 8.
Sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, inatasan na nila ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at PNP na magdagdag ng deployment sa naturang mga lugar upang matiyak na magiging maayos at mapayapa ang idaraos na halalan.
Aniya, fagawin ang lahat para walang mangyaring failure or elections gaya sa nakalipas na 2022 national elections.
Mas paiigtingin pa ng AFP at PNP ang paghahabol sa mga Private Armed Groups na maaring magamit sa eleksyon.
Base sa datos may tatlong aktibong PAGs habang lima ang potential PAGs na ginagamit.
Mas magiging mahigpit din sa implementasyon ng gunban na magsisimula sa Enero 12 hangang Hunyo 11, 2025
Epektibo ito sa nakalipas na halalan kaya naiwasan ang mga karahasan gamit ang baril.
Tiniyak naman ng PNP at AFP na ipatutupad na maayos ang plain view doctrine sa pagsita sa mga motorista.
Oobligahin din ang mga pulis na magsuot ng body camera at maglagay ng CCTV sa mga checkpoint upang masiguro ang maayos na implementasyon nito.
EUNICE CELARIO