UMAABOT na ngayon sa mahigit 131,000 ang bilang ng mga pasyente na gumaling na mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Batay sa case bulletin #162 na inilabas ng Department of Health (DOH), nabatid na hanggang 4:00PM ng Agosto 23 ay nakapagtala pa sila ng 16,459 bagong pasyente na nakarekober mula sa virus, sanhi upang umabot na ngayon sa 131,367 ang COVID-19 recoveries sa Filipinas.
Samantala, umakyat na rin sa 189,601 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa matapos na makapagtala pa ang DOH ng karagdagang 2,387 confirmed cases.
Sa mga bagong kaso, nabatid na 55,236 pa ang mga aktibong kaso o active cases, 91.5% naman ang mild cases, 6.1% ang asymptomatic, 1% ang severe at 1.4% ang critical.
Pinakamarami pa ring naitalang bagong kaso ng sakit sa National Capital Region (NCR) na nasa 1,022; sumunod ang Cavite na may 132; Laguna na may 1218; Rizal na may 115; at Cebu na may 96 naman.
“As of 4PM today, August 23, 2020, the Department of Health reports the total number of COVID-19 cases at 189,601,” anang DOH. “A total of 2,378 confirmed cases are reported based on the total tests done by 99 out of 109 current operational labs.”
“DOH likewise announces 16,459 recoveries. This brings the total number of recoveries to 131,367,” dagdag pa nito.
“Of the 2,378 reported cases today, 1,905(80%) occurred within the recent 14 days (August 10-23, 2020). The top regions with cases in the recent two weeks were NCR (818 or 43%), Region 4A (331 or 17%) and Region 3 (153 or 8%),” anang DOH.
Samantala, mayroon pa ring naitala ang DOH na 32 pasyente na namatay dahil sa virus sanhi upang umabot na sa 2,998 ang COVID-19 death toll sa bansa.
Sa naturang bilang ng mga namatay, 20 ang nalagutan ng buhay nitong Agosto; walo noong Hulyo; tatlo noong Hunyo at isa noong Mayo.
Pinakamaraming namatay sa NCR na nasa 22; Region 7 na may apat; Region 5 na may dalawa at tig-isa naman ang Region 6, Region 4A, Region 3 at Caraga.
Mayroon namang 26 na duplicates ang inalis ng DOH mula sa total case count at sa naturang bilang, siyam ang recovered cases na tinanggal.
Mayroon din na apat na kaso na napaulat na nakarekober mula sa sakit ngunit malaunan ay nakumpirmang binawian pala ng buhay, kaya’t napasama na ngayon sa bilang ng COVID-19 deaths. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.