MATATANGGAP ngayon ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang Combat Incentive Pay (CIP) at Combat Duty Pay para ngayong buwan.
Batay sa advisory ng PNP- Finance Service, aabot sa 164, 647 na mga pulis ang makatatanggap ng kanilang CDP habang nasa 116, 083 na mga pulis ang makatatanggap ng kanilang CIP.
Nabatid na nakatatanggap ng fixed rate na P3,000 CDP ang mga kuwalipikadong pulis habang ang daily CIP naman ng mga ito ay P300.
Ang CIP ay dagdag na base pay para sa mga pulis na aktibo sa mga counter-insurgency operation, habang ang CDP naman ay special allowance para sa mga pulis na kabilang sa actual police operations.
Bukod dito, ayon pa sa PNP Finance Service, matatanggap din ng 214,291 na mga pulis ang kanilang rice subsidy bukas para rin sa buwan ng Agosto.
EUNICE CELARIO