165 BISIKLETA IPINAMAHAGI SA FRONTLINERS AT WORKERS

bisikleta

BACOOR CITY – HINDI naging hadlang ang COVID-19 pandemic sa pag-uumpisa ng proyektong “Ugnayan ng Kapulisan, Barangay at Siklista” (UKBAS) 2020 na nasa ika-apat na taong ipinagdiriwang ng lokal na pamahalaan ng Bacoor City kung saan isinabay ang pamamahagi ng 165 bisikleta sa frontliners at workers sa pagbubukas ng “bike lane” sa kahabaan ng Molino Blvd. kahapon ng umaga.

Ang UKBAS 2020 ay panawagan ng lokal na pamahalaan sa mga Bacooreno partikular na sa kabataan na iwasan ang ilegal na droga.

Pinangunahan ni Bacoor City Mayor Lani Mercado at ilang opisyal ng  pulisya ang pagbubukas ng “Bike Lane” bago inilunsad ang ikalawang bahagi ng UKBAS 2020 na may temang “Bike with a Heart”: Lingap Bisikleta para sa mga Manggagawang Bacooreño.

Ang napiling 165 beneficiaries ng proyektong “Bike with a Heart” ay resulta ng nominasyon mula sa mga kaibigan, kamag-anak, kapitbahay at katrabaho sa pamamagitan ng pagbibigay ng sulat para i-endorso ang kilala nilang manggagawa na nangangailangan ng bisikleta patungo sa kanilang trabaho.

Kabilang sa benepisyaryo ng nasabing proyekto ay sina Maria Leonora Agra, Edwin Retiza, at Marissa Havila na pawang nurses sa St. Dominic Medical Center; Dionisio Tenorio Kagabi ng Bacoor Security Office; Mario Refuerzo, Ricky Arpon at si Mayonito Penones ng DepEd.

Tumanggap din ng bisikleta sina Robin Magana, Adrian Herrera at Joey Eusebio ng BPSU habang ang iba pang health workers, contruction workers, fast food crews at mga nagtatrabaho sa iba’t ibang ospital sa nasabing lungsod. MHAR BASCO

Comments are closed.