UMAABOT pa sa 16,621 ang mga bagong kaso ng COVID-19 na naitala ng Department of Health (DOH) sa bansa araw ng Huwebes.
Nasa 2,020,484 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas hanggang nitong Setyembre 2, 2021.
Sa naturang total cases, 7.3% pa o 146,510 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman at maaari pang makahawa.
Anang DOH, sa mga active cases, 96.2% ang mild cases, 1.1% ang asymptomatic, 1.1% ang severe, 0.99% ang moderate, at 0.6 % ang kritikal.
Mayroong 10,965 ang mga pasyenteng bagong gumaling mula sa karamdaman kaya’t umaabot na sa ngayon ang total COVID-19 recoveries sa bansa sa 1,840,294 o 91.1% ng total cases.
Nasa 148 mga pasyente naman ang nasawi kaya umaabot na ngayon sa 33,680 ang total COVID-19 deaths sa bansa o 1.67% ng total cases.
Samantala, hindi pa dapat na ikabahala ng publiko ang Lambda variant ng COVID-19, na matatandaang unang natukoy sa bansang Peru at itinuturing pa lamang ng World Health Organization (WHO) bilang ‘variant of interest’ sa ngayon.
Sa isang virtual forum, sinabi ni Philippine Genome Center (PGC) Executive Director Dr. Cynthia Saloma, bagamat mataas ang death rates sa Peru ay hindi pa naman batid kung Lambda variant ba talaga ang dahilan nito.
“What concerning about the Lambda variant is that Peru has some of the highest per capita death rates in the world in COVID, but we don’t know whether it’s truly because of the Lambda variant or the challenges in the healthcare system,” ayon kay Saloma.
Aniya, ang Lambda cases na natukoy na sa may 33 bansa ay nakikitaan na rin naman nang pagbaba.
Matatandaang ang unang kaso ng Lambda variant sa Pilipinas ay natukoy ng DOH noong Agosto. Ana Rosario Hernandez
364341 962424Oh my goodness! an wonderful write-up dude. Thanks a ton Nonetheless I is going to be experiencing issue with ur rss . Do not know why Not able to join it. Can there be everyone acquiring identical rss issue? Anybody who knows kindly respond. Thnkx 981860
872496 603642Several thanks for the wonderful post C Id enjoyable reading it! That i love this weblog. 140526