CAVITE – AABOT sa 169 violators ang dinampot ng mga awtoridad kung saan ay pinagmulta at pinag-community service dahil sa paglabag sa modified enhanced community quaratine (MECQ) sa isinagawang overnight anti-criminality campaign kamakalawa ng gabi hanggang kahapon.
Base sa ulat ng Cavite Provincial Investigation and Detective Management Unit, lumilitaw na hindi bababa sa 100 pasaway na violators ng MECQ ang nasasakote sa magdamagang police operation araw-araw.
Ang dinampot na 169 MECQ violators ay mula sa mga lungsod at municipalities ng Kawit, Silang, Indang, Naic, Rosario, Maragondon, Carmona, Bacoor at Imus.
Sa nasabing bilang, 49 ang isinailalim community services, 18 ang pinagmulta habang ang 102 naman ang winarningan bago pinalaya. MHAR BASCO
Comments are closed.